15,000 Angkas drivers isasailalim sa pagsasanay

15,000 Angkas drivers isasailalim sa pagsasanay

by Powered by DWIZ
0 comment 70 views

Isasailalim sa motorcycle ride hauling firm na Angkas ang 15,000 driver sa pagsasanay bago ang pagsisimula ng test run para sa kanilang motorcycle taxi service.

Ayon kay David Medrana, head of operations ng Angkas, nasa kabuuang 27,000 driver ang kinakailangang isailalim sa re training bago ang pilot test run.

Mayroon na aniya sa ngayon na 12,000 driver ang dumaan sa pagsasanay na nakatutok sa safety guidelines para matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero.

Sinabi naman ni George Royeca, head ng regulatory and public affairs ng Angkas, nasa 2,000 driver ang sumasailalim sa training kada araw at inaasahan nilang magsisimula sa ikatlo o huling linggo ng Hunyo ang kanilang pilot test run na tatagal ng anim na buwan.

Magugunitang inaprubahan ng DOTr o department of transportation ang pilot operations ng mga motorcycle taxi sa Metro Manila at Cebu simula sa Hunyo.

0 comment

Related Posts