12 anyos arestado sa pagpatay sa isang buntis sa Pampanga

by Powered by DWIZ
0 comment
12 anyos arestado sa pagpatay sa isang buntis sa Pampanga

Isang buntis at anak nitong apat na taong gulang na babae ang patay matapos pagsasaksakin sa kanilang bahay sa Lubao, Pampanga.

Kinilala ang mga biktimang sina K.C Montemayor, 25 anyos na tatlong buwang buntis at anak na si Chelsie Jade.

Ayon kay Pampanga Provincial Police Director, Col. Jean Fajardo, kapwa naliligo sa sariling dugo ang mag-ina nang madiskubre sa kanilang bahay sa Barangay San Roque Dau.

Suspek anya sa krimen ang 12 anyos na pamangkin ni Montemayor na hawak na ngayon ng pulisya habang narekober sa crime scene ang isang kitchen knife na ginamit ng binatilyo sa pagpatay.

Batay sa imbestigasyon, pinagalitan ni KC ang pamangkin at pinalo ito sa ulo sa harap ng maraming tao matapos akusahan ang suspek na nagnakaw ng 100 pesos.

Related Posts