111 paaralan ipinasara ng Malaysian government kaugnay ng chemical leak

by Powered by DWIZ
0 comment
111 paaralan ipinasara ng Malaysian government kaugnay ng chemical leak

Pansamantalang ipinasara ng gobyerno ng Malaysia ang 111 paaralan kaugnay ng nangyaring chemical leak, kung saan nalason ang mahigit 200 bata.

Ayon sa Malaysian Disaster Management Commitee, umakyat na sa 207 ang ino-obserbahan sa mga pagamutan, habang anim naman ang kasalukuyang nasa intensive care unit matapos nitong malason nuong Miyerkules.

Batay sa imbestigasyon ng mga otoridad, natagpuan ang sinasabing “toxic waste” sa isang ilog malapit sa paaralan na siyang naging sanhi ng pagkakalason ng mga bata.

Related Posts