11 fiberglass boats ipamamahagi sa mga Pilipinong mangingisda

11 fiberglass boats ipamamahagi sa mga Pilipinong mangingisda

by Powered by DWIZ
0 comment 96 views

Ipapamahagi na bukas ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang 11 mula sa 22 fiberglass boat na ipinangako nitong ibibigay sa Pinoy fishermen na nasangkot sa Recto Bank incident.

Ayon kay BFAR Mimaropa OIC director Elizer Salilig, malaki ang kada isang fiberglass boat na kayang magsakay ng hanggang 15 tao at tiyak na hindi ito lulubog.

Ang mga naturang fiberglass boat ay mayroong marine engine at fishing gear.

Bukod dito, ipinabatid ni Salilig na magkakaloob din ng pinansyal na tulong ang Department of Agriculture (DA) sa 22 survivors.

0 comment

Related Posts