1000 flights sa Chicago kanselado dahil sa matinding snow

by Powered by DWIZ
0 comment
1000 flights sa Chicago kanselado dahil sa matinding snow

Photo Credit: Getty Images 


Kanselado ang mahigit 1,000 flights sa dalawang paliparan sa Chicago dahil sa matinding snow.

Sa O’hare International Airport, aabot sa 884 ang nakanselang biyahe habang 118 biyahe ang kanselado sa Midway International Airport.

Nakaranas ng pag-ulan at wet snow sa Chicago mag-hapon ng Sabado at Linggo.

Nabatid naman na pagpasok ng araw ng Lunes sa Amerika, magsisimula nang gumanda ang panahon.

—-

 

 

 

 

Related Posts