35.9 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

100 SAF ipakakalat sa mga lugar na tinukoy sa Memo Order 32 ng Malakaniyang

- Advertisement -

Nakatakdang magpulong ngayong linggong ito ang Joint Peace and Security Coordinating Council ng AFP o Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police.

Ito’y para talakayin at plantsahin kung paano ipatutupad ang inilabas na Memorandum Order number 32 ng palasyo ng Malakaniyang na nag-aatas sa kanila na magdagdag ng puwersa sa limang lugar sa bansa na may malakas na puwersa ng CPP-NPA at NDF.

Ayon kay PNP Spokesman CSupt. Benigno Durana, bilang tugon aniya sa naturang kautusan, magpapakalat na sila ng may humigit kumulang 100 miyembro ng SAF o Special Action Force sa Samar, Bicol, Negros Occidental at Negros Oriental.

Subalit nakadepende pa rin aniya sa magiging resulta ng isasagawang pulong ang kabuuang bilang ng puwersang kanilang idaragdag sa mga nabanggit na lugar dahil kanila pang titingnan ang kabuuang sitwasyon sa mga naturang lugar.

Pero tumanggi munang magbigay ng komento hinggil dito ang panig ng AFP subalit tiniyak ng tagapagsalita nitong si BGen. Edgard Arevalo na susuportahan nila ang anumang hakbang upang masupil ang pagkalat ng karahasan sa ngalan ng kapayapaan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -