10 patay sa pag-atake sa isang hotel sa South Somalia

by Powered by DWIZ
0 comment
10 patay sa pag-atake sa isang hotel sa South Somalia

Patay ang sampu (10) katao sa nangyaring pag-atake ng mga armadong kalalakihan sa isang hotel sa South Somalia.

Base sa imbestigasyon, kabilang sa nasawi ang isang sikat na mamahayag sa nasabing bansa.

Ayon naman sa mga otoridad, tinaniman muna ng mga suspek ng bomba ang isang kotse sa labas ng Asasey Hotel.

Matapos sumabog ang sasakyan ay biglang pinaulanan ng bala ng mga armadong kalalakihan ang naturang lugar.

Inako naman ng Islamist group na Al Shabab ang nasabing pag-atake.

Sa panulat ni Gene Cruz

Related Posts