31.6 C
Manila
Saturday, May 21, 2022

10 patay sa magkakahiwalay na police ops sa Bulacan sa magdamag

- Advertisement -
Ad Banner 600×60

Aabot sa sampu (10) katao ang nasawi sa magkakahiwalay na operasyon ng pulisya sa iba’t ibang bayan sa Bulacan sa magdamag.

Patay matapos umanong manlaban ang isang drug suspect na kinilalang si alyas Alden sa ikinasang buy bust operations ng pulisya sa barangay Santisima Trinidad Malolos City.

Napatay naman ng mga rumesrespondeng pulis ang hindi pa nakikilalang lalaki matapos naman nitong pagnakawan ang isang bahay sa barangay Longon.

Dalawang hinihinilang carnapper naman ang napatay sa opersyon ng Highway Patrol Group sa San Jose del Monte.

Habang tatlong hinihinalang holdaper ang napatay din matapos makipagbarilan sa mga pulis sa barangay Caingin sa San Rafael.

Patay din ang dalawang drug suspect sa magkahiwalay na anti-drug operation ng pulisya sa Baliuag at Pulilan.

Samantala dalawang hindi pa nakikilalang lalaking sakay ng motorsiklo ang nakipagbarilan at napatay ng pulisya sa isang buy bust operations sa barangay Tawiran.

—-

 

 

 

Ad Banner 600×60
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
Ad Banner 320×320

SURVEY QUESTION OF THE WEEK

Kailangan bang may malawak na karanasan at mataas na pinag aralan ang mga tatakbo sa pagka Presidente at Bise Presidente? Oo o Hindi?

Ad Banner 320×60
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -