1 patay 12 sugatan sa salpukan ng truck at jeep sa Kabankalan, Negros Occidental

1 patay 12 sugatan sa salpukan ng truck at jeep sa Kabankalan, Negros Occidental

by Powered by DWIZ
0 comment 21 views

Patay ang isang babae at sugatan naman ang 12 iba pa sa salpukan ng truck at pampasaherong jeep sa barangay Orong, Kabankalan, Negros Occidental.

Ayon sa pulisya, hindi pa nakikilala ang babaeng nasawi habang nilalapatan pa ng lunas sa ospital ang mga nasaktan.

Sa imbestigasyon, biglang huminto ang pampasaherong jeep kaya nasalpok ito ng truck na nasa likurang bahagi nito dahilan upang tumilapon ang ilang pasahero.

Hawak na ng mga awtoridad ang truck driver na posibleng sampahan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide and damage to property.

0 comment

Related Posts